Ang water bamboo oil-paper umbrella ay isang uri ng tradisyonal at gawang-kamay na payong ng etnikong Zhuang, pambansang minorya sa Nayong Xiangyang, Qiubei County ng lalawigang Yunnan sa timog kanlurang Tsina.
Ang paggawa ng water bamboo oil-paper umbrella sa Qiubei County ay mayroon nang mahigit 400 taong kasaysayan. Ang payong na ito ay ginagawa sa water bamboo (o tinatawag na fishscale bamboo) at nilangisang papel, at ang loob ng payong ay pinintahan nang makukulay na debuho. May mahigit 80 paraan ang paggawa ng isang payong, at ginugugulan din ng 3 hanggang 5 araw.
Bukod sa tag-ulan, ginagamit din ang payong na ito sa tradisyonal na kasal sa lokalidad.
Salin: Liu Kai