Sa regular na preskon ngayong araw, Huwebes, ika-11 ng Hulyo 2019, ipinahayag ni Tagapagsalita Gao Feng ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ang pag-asa ng kanyang bansa, na aalisin sa lalong madaling panahon ng panig Amerikano ang mga sangsyon at restriksyon sa mga kompanyang Tsino na kinabibilangan ng Huawei Technologies Co. Ltd., at ititigil din ang maling aksyon ng paggamit ng kapangyarihan ng bansa para sa pagpapabagsak sa mga kompanyang Tsino.
Winika ito ni Gao tungkol sa pagpapanatili ng Huawei at ilang iba pang kompanyang Tsino sa listahan ng paglilimita sa pagluluwas ng Amerika.
Salin: Liu Kai