Mahigit 40 akdang lilok at pinta ng mga hayop ang matatagpuan sa Harding Soolohiko at Botanikal ng Changchun, punong lunsod ng lalawigang Jilin sa dakong hilaga-silangan ng Tsina. Kabilang dito ang bahaw, ladybug, cobra, woodpecker, zebra, loro, paruparo, unggoy at iba pa.
Ang may-akda ng mga ito ay si Feng Shuxuan, tagadisenyong pansining ng nasabing hardin. Gamit ang balat ng kahoy, pintura at ibang mga materyal na di-nakakapinsala sa mga puno, layon ng paglikha ni Feng ay pagandahin ang mga peklat ng puno.
Salin: Jade
Pulido: Mac
Larawan: Xinhua