Bilang tugon ng liham na ipinadala ng ilang bansa sa UN Human Rights Council at pumuna sa patakaran ng Tsina sa Rehiyong Awtonomo Uyghur ng Xinjiang, ipinahayag Hulyo 11, 2019 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang isyu ng Xinjiang ay suliraning panloob ng mga mamamayang Tsino, nanawagan siyang huwag manghimasok ang anumang puwersang panlabas sa isyung ito.
Tinukoy ni Geng na pinawawalang-bahala ng liham ang mga katotohanan, at pinulitika ang isyu ng karapatang pantao.
Isinalaysay ni Geng na sa harap ng banta ng terorismo at ekstrimismo, isinagawa ang mga hakbanging kinabibilangan ng pagtatatag ng mga vocational education and training center, at bunga nito nagbago ang kalagayan ng seguridad. Nitong dalawang taong nakalipas, walang naganap na insidenteng terorista, matatag ang lipunan at may pagkakaisa ang iba't ibang lahi.
Salin:Lele