Noong Hulyo 15, sinabi Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa ilalim ng kasalukuyang sitwasyon, ang lahat ng bansa ay dapat manatiling kalmado, at dapat igiit ang paglutas sa mga problema sa ilalim ng Iranian Nuclear Deal.
Sa pahayag ng mga pinuno ng France, Britain at Germany noong Hulyo 14, isiniwalat nila ang kalungkutan dahil sa pag-urong ng Estados Unidos mula sa kasunduan at pagpapatuloy ng pagpapataw ng sangsyon laban sa Iran. Nababahala rin sila na dahil dito, maaaring mariin nilang bumagsak ang koprehensibong kasunduan. Samantala, hinimok ng tatlong bansa ang Iran na bawiin ang mga desisyon, at inulit din nilang malulutas ang isyu sa pamamagitan ng mga dialogue. Ang tatlong bansa ay lubos na nag-aalala sa pagkasira ng sitwasyon sa seguridad sa rehiyon. Naniniwala anila silang, ang lahat ng mga may-kaugnayang bansa ay dapat magsabalikat ng mga responsableng hakbang upang maiwasan ang krisis, at muling simulan ang pag-uusap.
Sa kabilang dako, sa regular press conference ng Ministring Panlabas noong Hulyo 15, sinabi ni Geng Shuang na ang Tsina ay lubos na nag-aalala sa kasalukuyang sitwasyon at pinapanatili ang malapit na komunikasyon at koordinasyon sa lahat ng panig. Nakatuon ang Tsina sa pagpapahupa ng tensyon sa isang mas mabagal na direksyon, dagdag ni Geng.