Tatlumpu't pitong (37) bansa ang nagpadala ng pinag-isang liham sa UN Human Rights Council bilang pagkatig sa paninindigan ng Tsina hinggil sa Rehiyong Awtonomo Uyghur ng Xinjiang, ito ang ipinahayag Hulyo 15, 2019 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina. Aniya, ito ay reaksyon sa walang katuwirang batikos ng ilang bansang kanluranin.
Sa liham na ito, pinapurihan ng 37 pirmihang embahador ng iba't-ibang bansang tulad ng Pakistan, Saudi Arabia, Algeria, Russia, Cuba at iba ang bunga ng pag-unlad ng karapatang pantao at paglaban sa terorismo sa Xinjiang, Tsina.
Isinalaysay ni Geng na sa harap ng banta ng terorismo at ekstrimismo, isinagawa ng Xinjiang ang mga hakbanging kinabibilangan ng pagtatatag ng mga vocational education and training center, at bunga nito nagbago ang kalagayan ng seguridad. Nitong dalawang taong nakalipas, walang naganap na teroristikong insidente, matatag ang lipunan at nagkaroon ng pagkakaisa ang iba't ibang lahi.