Isinalaysay Hulyo 16, 2019, dito sa Beijing ni Peng Huagang, Pangkalahatang Kalihim ng State-owned Assets Supervision and Administration Commission of the State Council of China na noong unang hati ng taong 2019, lumaki nang 8.6% ang tubo ng mga sentral na bahay-kalakal ng Tsina, at nananatiling matatag ang tunguhin ng paglaki. Noong Hunyo, ang kita aniya ay lumaki sa bagong rekord. Matatag din aniyang lumalaki ang tunguhin ng pagtakbo ng ekonomiya ng mga sentral na bahay-kalakal ng Tsina.
Nitong ilang taong nakalipas, lumalakas ang muling pag-ahon ng mga sentral na bahay-kalakal. Ipinahayag ni Peng na sa kasalukuyan, isinaalang-alang ng kanyang komite ng muling pagsasaayos ng mga bahay-kalakal sa larangan ng paggawa ng kagamitan, bapor at industriya ng kemikal, at walang tigil na pinabubuti ang alokasyon ng mga ari-ariang pambansa.
Salin:Lele