Ginanap Hulyo 16, 2019, ang eksibisyong pampotograpya na tinaguriang"Makasaysayang Liwanag at Lilim" sa Hong Kong, Tsina. Itinanghal sa eksibisyon ang mahigit 450 mga obra maestrang pampotograpiyang nahahati sa tatlong pangunahing seksyon. Ang unang seksyong tinawag na "Pagbabago ng Daang Taon sa Hong Kong" ay nagpakita ng mga pangunahing makasaysayang pangyayaring nangyari sa Hong Kong noong ika-20 siglo. Sa seksyong pangalawa na "Liwanag at Lilim ng Arkitektura," itinala ang mga sikat na luma at bagong mga gusali sa Hong Kong. Ipinakita naman ng ikatlong seksyong tinaguriang "Folk Custom at Perlas ng Silangan," ang magagandang tanawin at masasaganang tagpo ng mga tao sa Hong Kong.