Tsina sa Ameika: maximum pressure sa Iran, dapat talikdan
(GMT+08:00) 2019-07-17 16:04:27 CRI
Ipinahayag, Hulyo 16,2019 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas, na dapat harapin ng Amerika ang mga alalahanin ng napakaraming miyembro ng internasyunal na komunidad at talikdan ang maximum pressure sa Iran upang lutasin ang isyung nuklear sa bansang ito, sa pamamagitan ng diplomasya.
Noong Hulyo 15, ginanap sa Brussels, Belgium ang European Union Foreign Ministers Meeting, at ang pagpapanatili ng Joint Comprehensive Plan of Action (JCPN) ng Iran ay naging isang mahalagang paksa ng pulong. Samantala, sinabi ni Federica Mogherini, EU High Representative para sa Foreign Affairs at Patakaran sa Seguridad, na ang komprehensibong kasunduan ay epektibo at walang alternatibo para nito. Aniya, patuloy na nagpoporsige ang EU sa pagpapanatili at pagpapatupad ng nasabing kasunduan at hinihimok nito ang Iran na ipagpatuloy ang komprehensibong pagsunod sa plano.
Sinabi rin ni Geng Shuang na ang EU Foreign Ministers' Meeting ay nagpadala ng isang malinaw na hudyat upang mapanatili at ipatupad ang komprehensibong kasunduan sa isyung nuklear ng Iran. Ang kumpleto at epektibong pagpapatupad ng kasunduan ay ang tanging epektibong paraan upang lutasin ang naturang isyu at mapahupa ang tensyon, ani Geng.
May Kinalamang Babasahin
Comments