|
||||||||
|
||
Ipinahayag Hulyo 18, 2019, ni Pipat Ratchakitprakan, bagong Ministro ng Turismo at Kalusugan ng Thailand, na layon ng pagtatakda ng pamantayan sa kaligtasan at pagpapalakas ng kaligtasan sa paglalakabay, na muling makuha ng Thailand ang tiwala ng mga turistang dayuhan. Ito aniya ay priyoridad niyang tungkulin.
Sinabi pa niyang ang naturang industriya ay isa sa mga pinakamahalagang industriya sa Thailand. Bilang ministro, gagawin niya ang lahat他尽力 upang maipagkaloob ang kaginhawaan para sa mga turista.
Sinabi ni rin niyang tatalakayin niya, kasama ng mga kinauukulang departamento, ang hinggil sa halaga ng Thai Baht at iba pang isyu, para umakit ng mas maraming turistang dayuhan.
Bukod dito, binigyan-diin ng nasabing opisyal na dapat magbigay-pansin sa pag-unlad ng community tourism ng Thailand, dapat palakasin ang pagsasanay sa mga batang atleta, at pasulungin ang mas maraming kompetisyon sa palakasan sa antas ng daigdig na idaraos sa Thailand.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |