Sinimulan, alas nuwebe ng umaga, sa Shanghai Stock Exchange, ang kalakalan ng unang batch na kinabibilangan ng 25 firm sa STAR, sci-tech innovation board ng Tsina. Kasabay nito, nagsimula na rin ang bagong yugto ng pag-unlad ng capital market ng bansa.
Ang disenyo ng STAR ay sandigan ng reporma ng capital market ng Tsina. Para rito, ginamit ng sistema batay sa Initial Public Offering (IPO) na nagtatampok sa rehistrasyong may nukleong isinasapublikong impormasyon, nabawasan ang listing application red tape, at hinayaan ang pamilihan na pamunuan ang mga kapital. Kasabay nito, lumitaw ang isang serye ng bagong sistema ng kalakalan.
Noong araw ng pagbubukas ng STAR, umakyat ang lahat 25 stock, na nagpapakita na kumpiyansa ng mga maumuhunan sa STAR.
Ang pundamental na layunin ng pag-unlad ng capital market ay pagkakaloob ng serbisyo para sa totoong ekonomiya. Sa kasalukuyan, napapanatili ng kabuhayang Tsino ang matatag at mabiils na paglaki. Pero tumaas din ang kawalang-katyakan ng kapaligirang panlabas ng pag-unlad. Ang inobasyon ng STAR sa reporma ng capital market ay magdudulot ng kakayahan ng inobasyon at kompetisyon ng mga bahay-kalakal, at lalo pang magpapasulong ng pagbabago ng industriya at pag-unlad ng buong kabuhayan.
Bilang mahalagang hakabangin ng Tsina sa lalo pang pagpapalalim ng reporma at pagpapalawak ng pagbubukas sa labas, ang pagsisimula ng kalakalan ng STAR ay lubos na nagpakita ng kapasiyahan, kumpiyansa at aksyon ng Tsina. Ang dinamiko at pleksibleng capital market ng Tsina ay talagang lakas-tagapagsulong ng pag-unlad na may mataas na kalidad ng kabuhayang Tsino.
Salin:Sarah