Nanawagan ngayong araw si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa buong bansa na palaganapin ang diwa ng boluntaryanismo na nagtatampok sa dedikasyon, pagkakaibigan, pagtutulungan at progreso.
Nakasaad ang nasabing panawagan sa liham ni Xi bilang pagbati sa pagdaraos ng Ika-2 Kongreso ng China Volunteer Service Federation (CVSF). Binasa ni Huang Kunming, Puno ng Departamento ng Publisidad ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang naturang liham.
Sa kanyang liham, mataas na pinapurihan ni Xi ang mga boluntaryo sa kanilang paglilingkod sa mga komunidad, kanayunan at iba't ibang lugar at sektor ng lipunan. Anito pa, ang pagsisikap ng mga boluntaryo ay nagpapakita ng kanilang pananangan sa ambisyon, pagmamahal at kabutihang-loob sa kapuwa, at responsibilidad. Nakikita ani Xi sa mga boluntaryo ang pananampalataya at tiwala ng mga mamamayang Tsina, lakas ng bansa, at pag-asa ng Nasyong Tsino.
Salin: Jade
Pulido: Rhio