|
||||||||
|
||
Idinaos Hulyo 23,2019, sa University of the Philippines, ang pagpapalitan ng mga guro at estudyante ng Xiamen University ng Tsina at kanilang mga counterpart sa University of Philippines at Confucius Institute.
Ang naturang aktibidad ay mahalagang bahagi ng plano ng School of Management ng Xiamen University hinggil sa imbestigasyon sa kapaligairan ng kalakalan ng Pilipinas sa background ng Belt and Road Initiative (BRI). Tinalakay ng mga kalahok ang iba't ibang tema na kinabibilangan ng pagtatrabaho, pananaliksik, pag-unlad at iba pa.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag si Michael Tan, Puno ng University of the Philippines Diliman, ang pagtanggap sa pagdating ng mga guro at estudyante ng Xiamen University. Sinabi niya na ang Tsina at Pilipinas ay mayroong pangmalayuang pagkakaibigan, at ang BRI ay nagpapasulong ng mahigpit na kooperasyon ng dalawang bansa.
Pinasalamatan ni Dai Ying, puno ng grupo ng Xiamen University, ang pagkatig sa aktibidad na ito ng University of Philipines at Confucius Institute. Umaasa siya na sa pamamagitan ng aktibidad na ito, madaragdagan ang kaalaman tungkol sa Pilipinas ng mga estudyante ng Xiamen University.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |