|
||||||||
|
||
Lumahok Hulyo 31, 2019, sa Bangkok ng Thailand, si Wang Yi, Kasangguni ng Konseho ng Estado at Ministrong Panalabas ng Tsina, sa seremonya ng pagsisimula ng China-ASEAN Young Leaders' Scholarship. Lumahok din sa seremonya si Dato Lim Jock Hoi, Pangkalahatang Kalihim ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Feodoro Locsin Jr, Kalihim na Panlabas ng Pilipinas at mga Ministrong Panlabas ng iba't ibang bansang ASEAN.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Wang na, ipinatalastas ni Premyer Li Keqiang ng Tsina noong nakaraang Nobyembre, sa Pulong ng mga lider ng China at ASEAN, ang pagtatayo ng China-ASEAN Young Leaders Scholarship. Sa darating na Setyembre ng 2019, sunud-sunod na pupunta sa Tsina ang unang batch ng mga 100 scholarship winners para sa pag-aaral, aniya. Ito'y lubos na nagpapakita na episyente ang Tsina at ASEAN, dagdag ni Wang.
Binigyan-diin niyang mga mamamayan ay pundasyon ng malalim na relasyon ng Tsina at ASEAN at ang pokus ng komunikasyon ng mga mamamayan ay edukasyon at kooperasyon. Itinayo aniya ng Tsina ang scholarship, dahil sa pamamagitan ng edukasyon, mapapalakas ang pagpapalitan ng mga mamamayan, partikular na mga kabataan, ng dalawang panig. Umaasa ang Tsina na ang mga kabataan ng dalawang panig ay magiging tagapagmana at tagabuo ng pagkakaibigan at pagtutulungan ng Tsina at ASEAN na walang humpay na magdudulot ng bagong positibong enerhiya para sa estratehikong partnership ng dalawang panig, sabi ni Wang.
Sa magkakahiwalay na okasyon, nagtalumpati rin sa seremonya sina Miniatrong Panlabas Don Pramudwinai ng Thailand, at Ministrong Panlabas Teodoro Locsin Jr. Pinasalamatan nila ang Tsina sa pagkakaloob ng scholarship sa mga estudyante ng ASEAN. Sinabi nilang ang kabataan ay mahalagang poste ng relasyon ng Tsina at ASEAN sa hinaharap, at ang China-ASEAN Young Leaders Scholarship ay tiyak na makakatulong sa pag-unlad ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |