|
||||||||
|
||
Nag-usap Hulyo 31, 2019, dito sa Beijing, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at Ivan Duque, Pangulo ng Colombia.
Ipinahayag ni Xi na, sa paligid ng mahalagang isyu ng Ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, nakahanda ang Tsina, kasama ng Columbia, na balangkasin ang blueprint ng pag-unlad sa hinaharap, para magkasamang pasulungin ang bagong pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Tinukoy ni Xi na mayroong napakalaking potensiyo ng pag-unlad at malawak na kinabukasan ang mga bansa ng Latin Amerika at Caribbean. Ito aniya ay naging napakahalagang puwersa ng buong daigdig. Saad ni Xi, sa mula't mula pa'y, iginagalang ng Tsina ang karapatan ng mga mamamayan ng Latin Amerika sa nagsasariling pagpili sa landas ng pag-unlad, at kinakatigan ang pagpapabilis ng proseso ng integrasyon. Nakahanda ang Tsina na patuloy na magsisikap, kasama ng Latin Amerika, para pasulungin ang patatatag ng sistema ng porum ng Tsina at Latin Amerika at Komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang panig, dagdag ni Xi.
Bumati naman si Pangulong Duque sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina. Umaasa aniya siyang mapag-aaralan ang karanasan ng Tsina sa pamamahala ng bansa at mapapasulong ang lalo pang pag-unlad ng relasyon ng dalawang panig. Nakahanda ang Colombia na gumawang positibong pagsisikap para sa pagpapasulong ng relasyong ng Tsina at Latin Amerika, ani Duque.
Pagkatapos ng pag-uusap, magkasamang lumahok ang dalawang lider sa seremonya ng paglagda ng mga dokumento sa bilateral na kooperasyon. Nilagdaan ng Tsina at Colombia ang 12 dokumentong pangkooperasyon na may kinalaman sa maraming larangang tulad ng ekstradisyon ng mga nahatulan; kooperasyon sa kabuhayan, teknolohiya at edukasyon; E-commerce; 5G teknolohiya; komersyo at iba pa.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |