Nag-tagpo Hulyo 31, 2019, sina Wang Yi, Kasangguni ng Konseho ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Saleumxay Kommasith, Ministrong Panlabas ng Laos.
Ipinahayag ni Wang na ang Tsina at Laos ay sosyalistang magkaibigang kapitbansa. Ang taong ito aniya ay ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Laos, at nitong Abril ng lumagda sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Boungnang Vorachith ng Laos sa Action Plan ng Pagtatatag ng Komunidad ng Pinagbabahaginang Kinabukasan ng Tsina at Laos. Kaugnay nito, dapat aniyang isagawa ng dalawang panig ang aktuwal na aksyon, itatag ang modelong proyekto ng Belt at Road Initiative (BRI), palakasin ang pagkatig sa isa't isa sa loob ng multilateral na mekanismo, at pasulungin ang pagtatamo ng mas maraming bunga ng dalawang panig.
Ipinahayag naman ni Saleumxay Kommasith na ang Action Plan ng pagtatatag ng Komunidad ng Pinagbabahaginang Kinabukasan ng Tsina at Laos ay magpapataas ng bilateral na relasyon sa bagong lebel. Pinasasalamatan aniya ng Laos ang pagkatig na ipinagkaloob ng Tsina para sa pag-unlad ng kabuhayan ng bansa. Nakahanda ang Laos na patuloy na magsikap, kasama ng Tsina, para palawakin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan, at pahigpitin ang koordinasyon ng dalwang panig sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig,aniya pa.
Salin:Sarah