Inilunsad nitong Huwebes, Agosto 1, sa Nanchang, lalawigang Jiangxi sa sentral na Tsina ang seremonya ng pagsisindi ng banal na tanglaw at pagre-relay ng sulo ng Ika-7 Military World Games (MWG). Ang sulo ng palaro ay pinangalanang "Kapayapaan at Luwalhati," at ang islogan ng pagre-relay ng sulo ay "Luwalhating Militar at Kapayapaang Pandaigdig."
Ang MWG na gaganaping sa Wuhan, Oktubre 18 ay lalahukan ng halos 10,000 sundalo mula sa mahigit 100 bansa. Ito ang pinakamalaking pandaigdig na palaro na nasa pagtataguyod ng Tsina pagkaraan ng 2008 Beijing Olympic Games.
Salin: Jade
Pulido: Rhio