Bilang tugon sa plano ng Amerika na magdagdag ng taripa sa 300 bilyong dolyares na halaga ng paninda na iniluluwas ng Tsina sa bansa, ipinahayag ngayong araw ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na, ang aksyong ito ay grabeng labag sa komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa sa G20 Summit sa Osaka, at ito'y hindi makakatulong sa paglutas ng problema. Mahigpit itong tinututulan ng Tsina, aniya.
Binigyan-diin ni Hua na walang pagbabago ang paninindigan ng Tsina sa pagsasangguniang pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa, at ang pagsisikap ng Tsina para rito. Sinabi niya na sa kasalukuyang oras, dapat maipakita at mapatunayan ng Amerika ang sinseridad sa talastasan.
Salin:Sarah