|
||||||||
|
||
Bilang tugon sa sukdulang maling pahayag na ipinalabas kahapon ni Nancy Pelosi, Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Amerika hinggil sa isyu ng Hong Kong, ipinahayag ng tagapagsalita ng Tanggapan ng Komisyoner ng Ministri ng Ugnayang Panlabas ng Tsina sa Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR), na bukas na kinakatigan ni Pelosi ang radikal, na gawain at pinakiki-alamanan ang mga suliranin ng HK at mga suliraning panloob ng Tsina. Mahigpit na kinokondena at buong tatag na tinututulan ng Tsina ang aksyon gito, anang tagapagsalita.
Binigyan-diin ng tagapagsalita na nitong ilang panahong nakalipas, ang marahas na aktibidad ng ilang radikal ay grabeng nagbanta sa kaligtasan ng mga mamamayan. Ito ay probokasyon sa soberanya at dignidad ng bansa at bottom line ng "Isang Bansa Dalawang Sistema, " na nagsasapanganib sa kalagayan ng HK, aniya.
Sinabi pa ng tagapagsalita sa kinauukulang politikong Amerikano, na dapat agarang itigil ang pakikipagtulungan sa mga radikal ng HK.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |