|
||||||||
|
||
Inilahad Agosto 6, 2019, sa Conference on Disarmament (CD), ni Li Song, Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary for Disarmament Affairs ng Tsina, ang paninindigan ng bansa sa isyu ng pag-alis ng Amerika mula sa Intermediate-Range Nuclear Forces Treaty (INF).
Ayon kay Li, ipinahayag ng Amerika na ipagpapatuloy nito ang pananaliksik at paged-deploy ng medium-range missle. Ito'y lubos na nagpapakita na ang pag-alis ng Amerika mula sa INF ay isa pang negatibong aksyong nagpapakita na hindi tinutupad ng Amerika ang sariling pangako sa daigdig, at nananangan ang bansa sa unilateralismo.
Hinggil naman sa isyu ng magkakasamang talastasan ng Tsina, Amerika, at Rusya tungkol sa armas nuclear, binigyan-diin ni Li na, komprehensibong maliwanag ang depensibong estratehiyang nuclear ng Tsina. Lubos aniyang responsible ang patakarang nuclear at limitado ang saklaw ng sandatahang nuclear ng Tsina, at hindi magiging banta sa kapayapaan at kaligtasan ng daigdig. Sa anumang oras, hindi isasagawa ng Tsina ang nuclear arms race, ani Li.
Tinukoy rin niya na hinggil sa pagkakaiba sa nuclear disarmament treaty, dapat lutasin ng Amerika at Rusya ang isyung ito sa pamamagitan ng diyalogo at talastasan, sa halip nap ag-alis sa kasunduan.
Nang araw rin iyon, sa preskon na idinaos ng Ministring Panlabas ng Tsina, inilahad din ni Fu Cong, Puno ng Department of Arms Control, ang katulad na paninindigan ng Tsina sa isyu ng pag-alis ng Amerika mula sa INF.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |