|
||||||||
|
||
Naganap Agosto 5, 2019, sa Hong Kong, ang mararahas na insidente sa maraming lugar. Inatake ng mga radikal ang pulisya at ordinaryong mamamayan. Kaugnay nito, 148 katao ang inaresto ng pulisya dahil sa illegal na demonstrasyon, pag-atake sa pulisya, pagtatago ng mga pinagbabawal na sandata.
Sa preskon, na idinaos ng Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR) nitong Martes, Agosto 6, ipinakita ng pulisya sa mga mamamahayag ang video at larawan ng mararahas na aksyon ng mga radikal, na kinabibilangan ng pagsunog , pag-atake sa pulisya at iba pa.
Ayon pa sa ulat, 21 istasyon ng pulis ang hindi na maaaring magkaloob ng pangkagipitang serbisyo dahil sa pag-atake ng mga radikal.
Hinggil dito, ipinahayag kahapon sa Beijing ng Tagapagsalita ng Hong Kong and Macao Affairs Office ng State Council ng Tsina na mahigpit ang kalagayan sa HK. Aniya, maliwanag ang tungkulin ng mga mamamayan ng HK: pagtigil ng karahasan at pagbalik ng kaayusan.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |