|
||||||||
|
||
Nitong 70 taong nakalipas sapul nang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina, malaki ang pagbabago ng naganap sa Beijing, Kabisera ng Tsina. Noong nakaraang taon, ang kabuuang halaga ng produksyong panrehiyon ng Beijing ay lumampas sa tatlong trilyong yuan RMB. Ito'y may karaniwang paglaki na 10.4% bawat taon mula 1953 hanggang 2018.
Kasabay ng walang humpay na paglaki ng kabuuang bolyum ng kabuhayan, natamo din rin ng Beijing ang maliwanag na epekto ng pag-unlad ng kabuhayan na may mataas na kalidad. Noong 2014, opisyal na sinimulan ang Pambansang Estratehiya ng Kooperatibong Pag-unlad ng Rehiyon ng Beijing-Tianjin-Hebei.
Bukod dito, malalim na pinapasulong ng Beijing ang konstruksyon ng ekolohikal na sibilisasyon. Ayon kay Yu Jianhua, Pangalawang Puno ng Beijing Municipal Ecological Environment Bureau, na nitong nakaraang 6 na taon, bumaba nang 43% ang PM 2.5, at matatag ding pinapabuti ang kalidad ng kapaligirang pantubig.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |