|
||||||||
|
||
Maraming ekonomista ng Amrika ang tutol sa pagtuturing ng Amerika sa Tsina bilang "manipulador ng salapi. " Ipinalalagay nila na ang kapasiyahang ito ay makakarisa sa paglaki ng kabuhayan ng buong daigdig.
Sa kanyang artikulo na ipinalabas sa New York Times, ipinahayag ni Paul Krugman, winner ng Nobel Memorial Prize in Economic Sciences, na ayon sa ilang politikong Amerikano, ang dahilan ng pagbaba ng halaga ng RMB ay "pagmamanipula sa salapi," pero sa katotohanan, ito ay natural na reaksyon ng pamilihan kaugnay ng pahayag ng Amerika na magdaragdag ng 10% taripa sa iniluluwas na panindang Tsino sa Amerika na nagkakahalaga ng 300 bilyong dolyares.
Sa isa pang artikulo na ipinalabas sa website ng Cable News Network (CNN) na isinulat ni Jeffrey Sachs, opisyal at dalubhasa ng Columbia University, na "arbitrary" ang kapasiyahan ng Kagawaran ng Tesorarya ng Amerika, at ang pagbaba ng halaga ng RMB ay natural na reaksyon ng pamilihan. Aniya, walang katibayan ang pagmamanipula ng salapi ng Tsina para sa bentaheng pangkalakalan. Tinukoy rin ng artikulo na ang "tanging manipulador" ay pamahalaan ng Amerika. Ang pagdaragdag ng taripa ng Amerika ay nagdulot ng grabeng kapinsalaan sa kabuhayan nito at kabuhayan at kalakalan ng buong mundo.
Bukod dito, sa panayam sa media, sinabi ni Stephen Roach, Mataas na Mananaliksik sa Yale University, na ang pagtuturing ng Amerika sa Tsina bilang "manipulador ng salapi" ay "mayroong elementong pulitikal."
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |