|
||||||||
|
||
Agosto 8,2019, idinaos ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), ang isang media briefing hinggil sa demonsterasyong naganap kamakailan sa HK.
Ipinahayag ni Edward Yau, Kalihim ng Pag-unlad ng Komersyo at Kabuhayan ng HKSAR, na nitong unang hati ng taong ito, dahil sa ilang elementong panlabas na kinabibilangan ng alitang Sino-Amerikano sa kalakalan, bumaba nang 5% hanggang sa 10% ang lahat ng datos sa kabuhayan ng HK. Kabilang dito aniya ang Regional Gross Domestic Product (GDP), kalakalan ng pagluluwas at pag-aangkat, kalakalan ng mga paninda at iba pa. Naging mas masama rin ang kalagayang pangkabuhayan ng HK dahil sa alitan sa extradition bill amendation na naganap sapul nang Hunyo ng taong ito, aniya pa.
Dagdag ni Yau, hanggang sa kasalukuyan, 22 bansa ang naglabas ng travel alert sa HK dahil sa demonstrasyon, at bumaba nang 3% ang occupancy rate ng mga hotel sa HK noong Hunyo. Umaasa si Yau na agarang maititigil ang alitan at mahahawakan ang mga problema sa kabuhayan.
Tinukoy naman ni Frank Chan Fan, Kalihim ng Transportasyon at Pabahay ng HK, na ang kalakalan at lohistika ay mahalagang industriya ng HK na nasa mga 21% ng regional GDP. Ang di-matatag na lipunan ay magdudulot ng malaking dagok sa lohistika at maaapektuhan nito ang pamumuhay ng mga empleyado. Umaasa siyang itatakwil ng mga personahe ang pagkakaiba at tatanggihan ang karahasan.
Salin: Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |