|
||||||||
|
||
Idinaos Agosto 12, 2019, ang media briefing ng pamahalaan ng Espesyal na Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), hinggil sa demonstrasyon na naganap kamakailan sa HK.
Ipinahayag ni Matthew Cheung Kin-chung, Chief Secretary for Administration ng Espesyal na Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), na noong nakaraang linggo, naganap sa iba't ibang lugar ng HK ang malawakang karahasan na isinagawa ng mga protestador, na nagdulot ng pagkabalisa ng mga mamamayan. Sinabi niya na dapat mariing kondenahin ang kaganapang ito, at suportahan ang panig pulisya na ipatupad ang batas.
Kinasela ang mga byahe nang araw rin iyon sa Hong Kong International Airport (HKIA) dahil sa epekto ng ilegal na demonstrasyon, na grabeng nakaapekto sa ang operasyon ng paliparan. Hinggil dito, ipinahayag sa preskon ni Frank Chan Fan, Secretary for Transport and Housing Bureau ng HK, na ang HKIA ay pandaigdigang aviation hub na may passenger capacity na nasa ikatlong puwesto sa buong daigdig. Ang mga 200 libong pasehero na lumalabas o pumapasok sa HKIA ay nagdudulot ng hindi maitatangging benepisyong pangkabuhayan. Umaasa siyang agarang lilisan ng paliparan ang mga protestador.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |