|
||||||||
|
||
Binigyan-diin Agosto 12, 2019, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na hinihimok ng Tsina ang Amerika na agarang itigil ang pakikialam sa mga suliranin ng HK.
Sinabi ni Hua na, kamakailan, nakipagtagpo ang mga pulitiko at diplomatikong opisyal ng Amerika sa mga protestador ng HK, binatikos ang sentral na pamahalaan ng Tsina, kumatig sa karahasan, at sumira ng kasaganaan at katatagan ng HK.
Inulit niya na ang HK ay rehiyong administratibo ng Tsina, at ang mga suliranin sa HK ay suliraning panloob ng Tsina. Hinihimok ng Tsina ang Amerika na sundin ang mga pandaigdig na batas at mga saligang prinsipyo ng relasyong pandaigdig, agarang itigil ang pakikialam sa suliranin ng HK, at mga suliraning panloob ng Tsina.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |