|
||||||||
|
||
Sunud-sunod na ipinahayag kamakailan ng mga pangunahing media ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) na ang karahasan na naganap kamakailan sa Hong Kong ay grabeng lumabag sa batas at sumira sa pamumuhay ng mga mamamayan. Dapat harapin ito ng pamahalaan sa malakas na paraan para maiwasan ang lipunan ng Hong Kong na sumadlak sa pusali.
Sa komentaryo na ipinalabas kamakailan, tinukoy ng pahayagang Wenweipo na ang karahasan sa Hong Kong ay nagpakita ng katangian ng terorismo. Kung lalala ang isyung ito, tiyak na sasadlak ang Hong Kong sa napakamapanganib na kalagayan. Dapat lubos na pahalagahan ang isyung ito ng pamahalaan ng Hong Kong, pulisya at iba't ibang sirkulo ng lipunan.
Ipinalalagay rin ng komentaryo ng Takungpao na ang serye ng karahasan na naganap kamakailan sa Hong Kong ay mayroong katangian ng terorismo, at tiyak na magdudulot ito ng masamang bunga.
Tinukoy ng komentaryo ng Hong Kong Economic Journal na dapat isagawa ng sentral na pamahalaan at pamahalaan ng HKSAR ang matatag na hakbangin para panumbalikin ang kaayusan ng Hong Kong.
Hinggil sa karahasan na naganap sa Hong Kong International Airport (HKIA), ipinahayag ng SingTao Daily na datapuwa't pinag-uusapan ng mga protestador ang "kalayaan" at "karapatan", hind inila iginalang ang kalayaan at karapatan ng mga mamamayan sa paggamit ng paliparan.
Tinukoy ng Hong Kong Economic Daily na grabeng naapektuhan ng mga protestador ang operasyon ng HKIA at normal na pamumuhay ng mga mamamayan, at sinira ang kalagayang pangkabuhayan ng Hong Kong. Sinabi rin ng Hong Kong Commercial Daily na nagdulot ang mga protestador ng grabeng kaguluhan sa turista, mamamayan at estudyanteng dayuhan, at malaking banta sa katayuan ng Hong Kong bilang international aviation hub.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |