|
||||||||
|
||
Idinaos Agosto 13, 2019, sa Seoul ng Timog Korea, ng Trilateral Cooperation Secretariat ng Tsina, Hapon at Timog Korea, ang talakayan hinggil sa kinabukasan ng kooperasyon ng tatlong bansa. Bumigkas ng talumpati si Hu Zhengyue, Pangalawang Puno ng China Public Diplomacy Association.
Sa talumpati, sinabi ni Hu na dapat mapangalagaan ng Tsina, Hapon at Timog Korea ang kapayapaan at katatagan sa rehiyong Hilagang Silangang Asya, patibayin ang bilateral na relasyon, magkakasamang pangalagaan ang multilateral na sistemang pangkalakalan, palawakin ang bagong ideya sa kooperasyon, at pasulungin ang diplomasiyang di-pampamahalaan.
Ipinahayag rin ni Lee Jong-heon, Sacretary-General ng Trilateral Cooperation Secretariat, na nitong nakalipas na 20 taon, natamo ang malaking progreso ng kooperasyong pampamahalaan at pagpapalitang di-pampamahalaan ng Tsina, Hapon at Timog Korea. Pero, mayroon din hamon ang relasyon ng tatlong bansa, kaya dapat lalo pang palalimin ang kooperasyong panrehiyon.
Lumahok sa talakayan ang mga estudyante ng Tsina, Hapon at Timog Korea, at mga sugong diplomatiko ng iba't ibang bansa sa Timog Korea.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |