|
||||||||
|
||
Tinututulan ng iba't ibang sirkulo ng buong daigdig, kabilang na ang International Monetary Fund (IMF), ang bintang ng Amerika na ang Tsina ay "manipulador ng salapi."
Ipinahayag Agosto 13, 2019, sa Beijing, ng mga kinauukulang dalubhasang Tsino, na walang anumang rason ang naturang aksyon ng Amerika. Ang uilateralism at proteksyonismong pangkalakalan ng Amerika ay nakaepekto sa inaasahan at pagbabago-bago ng pamilihan.
Tinukoy ni Wei Benhua, Mataas na Mananaliksik ng Chongyang Institute for Financial Studies ng Renmin University of China at dating pangalawang Puno ng State Administration of Foreign Exchange ng Tsina, na hindi makatwiran ang pagtuturing ng Amerika sa Tsina bilang "manipulador ng salapi."
Binigyan-diin ni Zhang Xuechun, pangalawang Puno ng Pangasiwaan ng Pananaliksik ng People's Bank of China, na ang Tsina ay hindi kabilang sa "manipulador ng salapi" ayon sa anumang pamantayan. Iminungkahi niya na dapat harapin ng Tsina ang kawalang-katiyakan sa labas sa paggamit ng katiyakan ng patakarang " reporma at pagbubukas sa labas " sa loob ng bansa.
Ipinalalagay rin ni Wen Bin, Punong Mananaliksik ng China Minsheng Bank na sa anggulo ng sistema ng transaksyon, umayon sa pamilihan ang pagbabago ng exchange rate ng RMB; sa aspekto ng organong pangkabuhayan ng Tsina, hindi kailangan ng Tsina na ibaba ang halaga ng exchange rate ng RMB.
Binigyan-diin ni Liang Yabin, dalubhasa ng Party School of the Central Committee of CPC na sa harap ng presyur ng Amerika, dapat panatilihin ng Tsina ang kompiyansang estratehiko.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |