|
||||||||
|
||
Inilabas Agosto 16, 2019, ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, ang White Paper sa Bokasyonal na Edukasyon at Pagsasanay sa Xinjiang.
Sinabi sa white paper na sa pamamagitan ng pagtatayo ng sentro ng bokasyonal na edukasyon at pagsasanay, mabisang napigilan ang pagkaganap ng teroristikong aktibidad sa Xinjiang at iginarantiya ang pundamental na karapatan ng mga mamamayan ng iba't ibang nasyonalidad.
Tinukoy ng white paper na ang pagsasagawa ng bokasyonal na edukasyon at pagsasanay sa Xinjiang ay nakabuti sa katatagan at kaligtasan ng lipunan ng Xinjiang. Ang aksyong ito ay lubos na umangkop sa pundamental na diwa at prinsipyo ng paglaban sa terorismo ng komunidad ng daigdig at saligang kapakanan at kahilingan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa ng buong daigdig.
Binigyan-diin ng white paper na ang layunin ng pagsasagawa ng bokasyonal na edukasyon at pagsasanay sa Xinjiang ay pagpapawi ng terorismo at panrelihiyong ekstrimismo. Ito ang aksyon nagumagalang at naggagarantiya sa karapatang pantao.
Sinabi rin ng white paper na patuloy na susundin ng Xinjiang ang diwa ng mga dokumentong pandaigdig sa paglaban sa terorismo, walang humpay na pabubutihin ang gawain ng bokasyonal na edukasyon at pagsasanay, gagawin ang mas maraming pagsisikap para igarantiya ang iba't ibang pundamental na karapatan ng mga mamamayan ng Xinjiang at isakatuparan ang katatagan at kaligtasan ng lipunan ng Xinjiang.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |