Ipinahayag kahapon, Biyernes, ika-16 ng Agosto 2019, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Tsina, ang buong tinding pagtutol ng kanyang bansa sa pagpapasulong ng pamahalaang Amerikano ng pagbebenta sa Taiwan ng mga F-16V fighter na nagkakahalaga ng 8 bilyong Dolyares. Nagharap aniya ng pormal na representasyon ang Tsina sa panig Amerikano hinggil dito.
Dagdag ni Hua, ang pagbebenta ng Amerika ng mga sandata sa Taiwan ay grabeng paglabag sa prinsipyong Isang Tsina at tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika. Ito rin ay pakikialam sa suliraning panloob ng Tsina, at pagkapinsala sa soberanya at interes sa seguridad ng bansa, diin ni Hua.
Salin: Liu Kai