|
||||||||
|
||
Kinondena kahapon Agosto 17, 2019, ng mga media ng Hilagang Korea ang magkasanib na pagsasanay na militar na isinasagawa ng Amerika at Timog Korea. Sinabi ng media na lumabag ito sa kinauukulang pangako sa pagtatagpo ng mga lider ng H.Korea at Amerika. Kailangang isasagawa ng H.Korea ang matigas na hakbangin para mapangalagaan ang soberaniya at paggalang ng bansa.
Anang isang artikulo na ipinalabas Agosto 17, 2019 ng Korean Central News Agency (KCNA), ipinangako na ng mga lider ng dalawang panig sa pagtatagpo ng Singapore at pagtatagpo ng Panmunjom ang pagpipigil ng magkasanib na pagsasanay na militar ng Amerika at T.Korea. Ang magkasanib na pagsasanay na militar ng Amerika at T.Korea ay hamon sa "6·12"Magkasanib na Pahayag ng H.Korea at Amerika.
Inilathala din nang araw rin iyon Minju Choson, pinakamalaganap na pahayagan ng Pirmihang Lupon ng kataas-taasang Asemblyang Bayan ng Hilagang Korea, ang artikulo na nagbibigay-diin na dahil sa magkasanib na pagsasanay na militar ng Amerika at T.Korea, kailangang isagawa ng H.Korea ang matigas na hakbangin para mapangalagaan ang soberaniya at paggalang ng bansa.
Ayon pa sa ulat na inilabas Agosto 17, 2019, ng KCNA, pinatnubay noong umaga ng Agosto 16 ni Kim Jong-un, pinakamataas na lider ng Hilagang Korea, ang test-fire ng pinakahuling sandata.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |