48 tao ang namatay mula Enero, 2019 hanggang Hulyo, sa Myanmar, dahil sa dengue fever. 10,757 tao ang nahawahan. Naging pinakamataas sa Ayeyarwady Region ang infection rate. Ito ang balita na ipinalabas kamakailan ng Ministri ng Kalusugan at Palakasan ng Myanmar.
Ang dahilan ng walang humpay na pagpapataas ng dengue fever infection rate ay kinabibilangan ng pagdaragdag ng populasyon, pagiging mainit ang klima, domestikong tubig at iba pa. Noong 2018, sa buong bansa ng Myanmar, umabot sa 23,273 ang nahahawahang tao at 112 ang namatay.
Salin:Sarah