Ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati sa unang Porum sa Pambansang Parke, na binuksan ngayong araw, Lunes, ika-19 ng Agosto 2019, sa Xining, lalawigang Qinghai sa hilagang kanlurang Tsina.
Sinabi ni Xi, na nitong ilang taong nakalipas, pinaiiral ng Tsina ang sistema ng pambansang parke, at itinayo ang unang pambansang parke. Layon nito aniyang pangalagaan ang likas na ekolohiya, bio-diversity, at kaligtasang ekolohikal.
Dagdag ni Xi, sa aspekto ng pagbuo ng sibilisasyong ekolohikal, gusto ng Tsina na tularan ang mga matagumpay na karanasan ng ibang bansa. Umaasa aniya siyang, sa pamamagitan ng malalim na pagtalakayan ng mga ekspertong Tsino at dayuhan, matatamo sa naturang porum ang mga magandang ideya hinggil sa pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga pambansang parke.