Binigyan-diin Agosto 20, 2019, sa preskon, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na, ang mga suliranin ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina, at lubos mahigpit na hindi nasisiyahan at buong lakas na tinututulan ng Tsina ang pananalita hinggil sa Hong Kong na sinabi kamakailan ni Chrystia Freeland, Ministrong Panlabas ng Kanada. Ito ang ikatlong pahayag sa Hong Kong ni Freeland sapul noong Mayo ng taong ito.
Ipinahayag ni Geng na nakaroon ng gusot ang kasalukuyang relasyon ng Tsina at Kanada dahil sa walang-batayang paghuli kay Meng Wanzhou. Hiniling ng Tsina sa Kanada na malalim nap ag-isipan ang kamalian at mag-ingat sa mga pananalita at aksyon na may kinalaman sa Hong Kong. Kung hindi, tiyak na mas lubhang masisira ang relasyon ng dalawang bansa.
Salin:Sarah