|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakailan ng mga personaheng dayuhan ng iba't ibang sirkulo ang pagbatikos sa karahasan na naganap sa Hong Kong at pakikialam sa Hong Kong ng Britaniya, Amerika at iba pang puwersang panlabas. Sinusuportahan nilang "Isang Bansa, Dalawang Sistema" at pagpapatupad ng batas ng pamahalaan at pulisya ng Hong Kong.
Ipinahayag ni William Jones mula sa Executive Intelligence Review na ang Britaniya at Amerika ay walang dudang nakikialam sa kalagayan ng Hong Kong. Hindi naranasan ang pahaon ng "British Hong Kong" ng batang henerasyon ng Hong Kong, at marahil ani Jones mayroong silang pantasya sa era na iyon. Isinasakripisyo ng mga "nagmamanipula ng papet"sa likod ng karahasan ng Hong Kong ang tupa para sa kanilang sariling layunin, at ang tupa ay ang kabataan ng Hong Kong.
Tinukoy ni Andrei Ostrovsky, Opisyal ng Acadeniya ng Agham ng Rusya, na ang karahasan sa Hong Kong ay nagdulot na ng napakalaking kapinsalaan sa normal na pamumuhay at kapaligirang komersyal sa Hong Kong, lumampas ito sa saklaw ng "mapayapang rally." Mayroong palatandaan na nagpakita na ang ilang protestador ay nasa ilalim ng kontrol ng puwersang dayuhan, at dapat isagawa ng pamahalaan ang hakabangin para itigil ang aktibidad nila para manumbalik ang kaayusan sa lalong madaling panahon.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |