Kaugnay ng resulta ng halalan ng ika-5 punong ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (MacaoSAR), ipinahayag Linggo, Agosto 25, 2019 ni Yang Guang, Tagapagsalita ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga Suliranin ng Hong Kong at Macao, ang mainit na pagbati sa pagkahalal ni Ho Iat Seng bilang ika-5 punong ehekutibo ng Macao.
Ani Yang, matapos tanggapin ng pamahalaang sentral ang opisyal na ulat ng pamahalaan ng MacaoSAR tungkol sa nasabing halalan, tutupdin ang proseso ng nominasyon alinsunod sa batas.
Salin: Lito