|
||||||||
|
||
Nag-usap Agosto 27, 2019, sa Beijing, sina Wang Yi, kasangguni ng Konseho ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Kyaw Tint Swe, Union Minister for Office of the State Counsellor of Myanmar.
Ipinahayag ni Wang na buong tatag na sinusuportahan ng Tsina ang Myanmar sa pagpapasulong ng proseso ng kapayapaan sa loob ng bansa. Inaasahan ng panig Tsino na ipagpapatuloy ang kalagayan ang tigil-putukan sa dakong hilaga ng Myanmar sa pamamagitan ng diyalogo ng iba't ibang panig para aktuwal na mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng hanggahan ng Tsina at Myanmar. Mahigpit na sinusubaybayan ng Tsina ang kalagayan sa Rakhine State, at pinapurihan ang positibong pakikitungo at aktuwal na hakbangin na isinasagawa ng Myanmar sa isyu ng pagpapabalik-balik ng mga refugees.
Ipinahayag ni Ministro Kyaw Tint Swe na pinapurihan ng kanyang bansa ang tulong na ipinagkaloob ng Tsina para sa pagpapabalik-balik ng mga refugees. Patuloy na magsisikap ang Myanmar para maayos na lutasin ang isyu ng Rakhine State sa pamamagitan ng mapagkaibigang diyalogo.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |