|
||||||||
|
||
Ipinahayag ngayong araw, Agosto 27, 2019, sa Beijing, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kinakatigan ng Tsina ang lahat ng pagsisikap na makakabuti sa pangangalaga sa Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA).
Ang naturang pahayag ni Geng ay tugon sa isyung nuklear ng Iran na nabanggit sa pahayag ng mga lider sa katatapos na G7 Summit.
Ipinahayag sa preskon ni Geng na pinaninindigan ng Tsina na dapat pahupainang kasalukuyang mahigpit na kalagayan sa pamamagitan ng diyalogo, at nagsisikap nang malaki ang Tsina para rito.
Isinalaysay din sa preskon ni Geng ang kalagayan ng pag-uusap noong Agosto 26 nina Wang Yi, Kasangguni ng Konseho ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at kanyang counterpart na si Mohammad Javad Zarif ng Iran, at inilahad ang paninindigan ng Tsina.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |