Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo Martes ng hapon, Agosto 27, 2019 kay Punong Ministro Abdulla Aripov ng Uzbekistan, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang relasyon sa Uzbekistan. Nakahanda aniya ang Tsina na isulong kasama ng Uzbekistan, ang liberalisasyon at pagsasaginhawa ng kalakalan at pamumuhunan, at palakasin ang kanilang pagsasanggunian at pagkokoordinahan sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig para makapagbigay ng ambag sa pagsasakatuparan ng pangmalayuang kapayapaan, katatagan, at kasaganaan sa rehioyng ito.
Bumati naman si Aripov sa darating na ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republikang Bayan ng Tsina. Ipinahayag niya na natamo ng pag-unlad ng Tsina ang kapansin-pansing bunga, bagay na nakakapagbigay ng malaking positibong ambag para sa katatagan at kasaganaang panrehiyon at pandaigdig. Nakahanda aniya ang Uzbekistan na patuloy at malalim na makilahok sa konstruksyon ng "Belt and Road," at palalimin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangan.
Salin: Lito