|
||||||||
|
||
Nakipagtagpo Agosto, 27, 2019, sa Great Hall of the People sa Beijing, si Wang Yi, Kasangguni ng Konseho ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa delegasyon ng Samahan ng "One Belt One Road (BR) " sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR). Lubos na pinapurihan ni Wang ang positibong ambag na ibinibigay ng samahan sa pagpapasulong ng Hong Kong na sumali sa konstruksyon ng BR at mapangalagaan ang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong.
Ipinahayag ni Wang na sa kasalukuyan, kinakaharap ng Hong Kong ang pinakamahigpit na kalagayan sapul nang bumalik ito sa inang bayan. Umaasa siyang magkakaisa ang iba't ibang sirkulo ng Hong Kong at buong tatag na sinuportahan ang pamahalaan ng HKSAR sa pagpipigil ng karahasan at pagpapanumbalik ng kaayusan.
Inaasahan din ni Wang ang samahan ng BR sa Hong Kong na aktibong gamitin ang bentahe nito para tulungan ang mga kabataan ng Hong Kong at pasulungin ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Hong Kong.
Nagtalumpati rin sa naturang pagtatagpo si Peter Lam Kin-ngok, Tagapangulo ng Samahan ng BR sa Hong Kong at Pirmihang Kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC).
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |