Dinakip kamakailan ang 13 tao ng pulisya ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR). Ipinalabas kahapon sa preskon ang naturang balita ni Tse Chun-chung, opisyal ng Hong Kong Police Force (HKPF).
Ipinahayag din ni Tse Chun-chung na ang dating mapayapang demonstrasyon ay nagbago na at naging grabe ang karahasan sa Hong Kong nitong nakaraang dalawang buwan. Di-katanggap-tanggap ang karahasan at pananakit sa ibang tao sa anumang paraan sa isang sibilisadong lipunan. Ipinagpapatuloy ng panig ng pulisya ng Hong Kong ang solemnang pagsasakatuparan sa batas.
Salin:Sarah