|
||||||||
|
||
Sinabi Agosto 27, 2019, ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN), na ang pangangalaga sa legal na karapatan ng mga mamamayan ng Palestina ay komong responsibilidad ng komunidad ng daigdig, at ang "Two State Solution" ay tanging tumpak na kalutasan sa isyu ng Palestina at Israel.
Tinukoy ni Zhang Jun, sa pulong ng isyu sa gitnang silangan at Palestina na idinaos ng UN Security Council, na ang isyu ng Palestina ay nukleong isyu ng gitnang silangan. Dapat igiit ng komunidad ng daigdig ang multilateralismo, pasulungin ang diyalogo, para mapayapang lutasin ang isyu ng Palestina sa pamamagitan ng talastasang pulitikal. Dapat magsikap ang iba't ibang panig para aktibong pasulungin ang proseso ng kompromiso, agarang itigil ang pagbatikos sa isa't isa at lihkain ang mabuting kondisyon para sa pagpapanumbalik ng diyalogo.
Ipinahayag ni Zhang na sa mula't mula pa'y, nagsisikap ang Tsina para pasulungin ang proseso ng kapayapaan sa gitnang silangan, at magkaloob ng tulong sa Palestina sa larangan ng pag-unlad.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |