|
||||||||
|
||
Patuloy na lumalala nitong ilang araw na nakalipas ang trade war ng Amerika at Tsina. Ang hakbang ng Amerika ay nagdulot ng mahigpit na pagtutol mula sa loob ng Amerika at buong daigdig.
Nagpahayag nitong Agosto 23 2019 ang National Retail Federation ng Amerika na di-realistiko para sa mga retailers ng Amerika ang pag-alis sa Tsina, ikalawang pinakamalaking economy ng buong daigdig. Sinabi rin nang araw na iyon ni Myron Brilliant, Executive Vice President ng Amerikan Chamber of Commerce na ang konstruktibong relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ay tumpak na pagpili na nakakabuti sa kapuwa dalawang panig. Nanawagan siya na panumbalikin ng dalawang panig ang diyalogo para marating ang kasunduan sa lalo madaling panahon.
Sunud-sunod na inilabas ng mga media ng Amerika ang komentaryo na nagsasabing ang pagtigil ng Amerika ng trade partnership sa Tsina ay aktuwal na makakapinsala sa interes ng mga kompanya at consumers sa Amerika at sa pag-unlad ng kabuhayan ng Amerika at buong daigdig.
Bukod dito, ang paglala ng Amerika ng trade war sa Tsina ay nagdulot ng pagtutol at pasanin ng komunidad ng daigdig. Ipinahayag Agosto 26 2019, sa ipininid na G7 Summit, ni Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya na umaasang mararating ng Tsina at Amerika ang pagkakaisa sa lalo madaling panahon ang Tsina at Amerika hinggil sa isyung pangkalakalan para mababawasan ang "kawalang-katiyakan" na hindi mabuti sa kabuhayang pandaigdig.
Ipinahayag rin ng dalubhasang pinansyal ng Australia na ang paglala ng Amerika ng trade war sa Tsina ay magdudulot ng negatibong epekto sa kabuhayan ng Tsina, Amerika at buong daigdig, at ang tumpak na kalutasan ay diyalogo, sa halip ng pagdaragdag ng taripa.
Sunud-sunod na ipinahayag ng mga media at dalubhasa ng Rusya na grabeng nakapinsala ang trade war ng Tsina at Amerika sa mga kompanya ng Amerika at tiyak na magdudulot ito ng bagong round ng krisis ng kabuhayan.
Ipinalalagay ng Ehara Noriyoshi, kilalang dalubhasang pangkabuhayan ng Hapon, na tumaas ang presyo ng kinauukulang paninda sa loob ng Amerika dahil sa walang humpay na paglala ng trade war ng Tsina at Amerika, at naapektuhan nang malaki ang normal na buhay ng mga mamamayan ng Amerika. Ang pagbabawas ng pamumuhunan ng Tsina sa Amerika ay nagdulot ng epekto rin sa pagtatrabaho ng mga mamamayan ng Amerika.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |