|
||||||||
|
||
Sapat ang countermeasures ng Tsina sa harap ng alitang pangkalakalan na inilunsad ng Amerika. Ito ang sinabi Agosto 29,2019, sa preskon, ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina. Ipinahayag din niya na buong tatag na tinututulan ng Tsina ang paglala ng alitang pangkalakalan, at nakahanda aniya ang bansa na lutasin ang problema sa pamamagitan ng pagsasanggunian at kooperasyon.
Ipinalalagay ng Tsina na sa kasalukuyan, dapat talakayin ang isyu ng pag-kansela sa pagdaragdag ng taripa sa mga panindang Tsino na nagkakahalaga ng 550 bilyong dolayres, para mabawasan ang patuloy na paglala ng alitang pangkalakalan.
Binigyan-diin ni Gao na ang paglala ng trade war ay di mabuti sa interes ng Tsina, Amerika at buong daigdig.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |