|
||||||||
|
||
Beijing, Agosto, 29, 2019, hiniling ni Ren Guoqiang, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, sa Amerika na agarang kanselahin ang plano ng pagbebenta ng sandata sa Taiwan; agarang itigil ang pag-uugnayang militar ng Amerika at Taiwan; at agarang itigil ang probokasyon na tulad ng pagpasok sa dagat at himpapawid ng Nansha Islands ng Tsina, para maiwasan ang hindi inaasahang kaganapan.
Hinggil sa isyu ng paglulunsad ng Amerika ng missle pagkatapos ng pag-urong nito mula sa Intermediate-Range Nuclear Forces Treaty (INF Treaty), ipinahayag ni Ren na ang pag-uurong ng Amerika mula sa INF Treaty ay magdudulot ng grabeng negatibong epekto sa katatagan at kaligtasan ng rehiyon at daigdig.
Ipinahayg din ni Ren na depensibo ang patakarang Tsino. Hindi aniya gagamitin ng Tsina ang sandatang nuklear at hindi lalahukan sa arm race sa anumang paraan. Hindi rin makikisangkot ang Tsina sa "Talastasan ng Pagkontrol sa Armas ng Tsina, Amerika at Rusya " na iniharap ng Amerika.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |