|
||||||||
|
||
2019 China-ASEAN "Belt and Road" Culture and Tourism Exchange Week, binuksan
Binuksan kahapon Agosto 29, 2019, sa lunsod Guiyang ng lalawigang Guizhou ng Tsina, ang 2019 China-ASEAN "Belt and Road" Culture and Tourism Exchange Week na may temang "Pagsasama-sama at Pag-unlad, Pagbubukas at kooperasyon."
Ipinahayag ni We Guonan, Pangalawang Gobernador ng lokal na pamahalaan ng Guizhou na, walang humpay na lumalawak ngayon ang pagpapalitan sa pagitan ng Guizhou, Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at mga bansa sa kahabaan ng Belt at Road, sa maraming larangang gaya ng kalakalan, kultura at iba pa.
Ayon sa estadistika, tinanggap ng Guizhou ang 969 milyong person-time na turista mula sa loob at labas ng bansa noong nakaraang taon, at umabot sa 940 bilyong yuan RMB ang kabuuang kita ng industriyang panturismo. Umabot naman sa 150 libong person-time ang mga turista mula Guiyang patungo sa ASEAN at mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road, at umabot sa 50 libong person-time ang mga turista mula sa ASEAN at bansa sa kahabaan ng Belt at Road patungo sa Guiyang.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |