|
||||||||
|
||
Idaraos sa Beijing sa darating na Oktubre ang maringal na aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina kung saan mainit na winiwelkam ang mga mamamahayag na Tsino at dayuhan. Opisyal na isasaoperasyon Setyembre 23, 2019 ang sentro ng impormasyon sa nasabing sa Beijing Media Center Hotel.
Mamamahala ang Beijing Media Center sa pagtanggap sa mga Tsino at dayuhang mamamahayag. Idaraos din sa sentrong ito ang preskon at news briefing hinggil sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina. Bukod dito, ipagkakaloob nito ang mga kailangang serbisyo ng impormasyon at paggarantiyang pangteknolohiya para sa mga mamamahayag.
Naisaoperasyon na ang sistema ng pagrerehistro na http://reg70prc.zgjx.cn para magkaloob ng ginhawa sa mga mamamahayag mula sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (MacaoSAR), Taiwan, at mga bansang dayuhan. Tatagal ang pagrerehistro mula noong Agosto 22 hangagng Setyembre 8 ng kasalukuyang taon.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |