Bago dumalo sa Executive Council meeting, ipinahayag sa media ni Carrie Lam, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), na hindi pa siya naghahain ng resignasyon sa pamahalaang sentral ng Tsina. Aniya, mayroon siyang kompiyansa sa pamumuno ng kanyang administrasyon para tulungan ang Hong Kong sa paghulagpos sa mahirap na situwasyon.
Inamin din niya ang kasalukuyang mahigpit na situwasyon sa Hong Kong. Hinggil dito, sinabi niyang bagama't nananatili pa rin ang krisis sa Hong Kong, mayroong siyang kompiyansa na mapapawi ang kahirapan sa rehiyong ito.
Salin: Lito