|
||||||||
|
||
Pinapurihan kamakailan ng maraming opisyal at iskolar ng Pilipinas ang pagdalaw sa Tsina ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas mula noong Agosto 28 hanggang Setyembre 1. Ipinalalagay nilang mabunga ang pagdalaw na ito at may malawak na kinabukasan ang dalawang bansa sa aktuwal na kooperasyon.
Sinabi ni Salvador Panelo, Tagapagsalita ng Pangulo ng Pilipinas na "matagumpay at lubhang produktibo" ang pagdalaw ni Pangulong Duterte sa Tsina. Dahil sa pagdalaw, mapapaunlad nang malaki ng dalawang bansa ang pagpapalitang pangkabuhayan at pangkalakalan at maisusulong magkasamang paggagalugad ng langis at gaas at iba pang larangan aniya.
Mainit namang pagtanggap ang ipinahayag ni Ramon Lopez, Ministro sa Kalakalan at Industriya ng Pilipinas, sa pagpapalakas ng kooperasyong pangkalakalan ng dalawang bansa. Sinabi niyang mabilis ang pagdaragdag ng direktang pamumuhunan ng Tsina sa Pilipinas noong nakaraang 3 taon na nagdulot ng positibong papel sa pag-unlad ng kabuhayan ng Pilipinas.
Kaugnay ng isyu ng South China Sea, ipinalalagay ni Henry Chan, dumadalaw na mananaliksik sa Institute think tank nakabase sa Maynila for Development Studies, na magiging mabuting modelo ang kooperasyon sa magkasamang paggagalugad ng gas at langis ng Tsina at Pilipinas para sa rhiyong ito.
Ipinahayag ni Delfin Lorenzana, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Pilipinas, na kailangang maayos na hawakan ng kapuwang Tsina at Pilipinas ang isyu ng South China Sea. Sinabi niya na ang isyu ng South China Sea ay hindi representasyon ng lahat ng aspekto ng relasyong Sino-Pilipino, at maaaring magkooperasyon ang dalawang bansa sa malawak na larangang tulad ng kabuhayan at kalakalan, turismo, kultura at iba pa. Ang mga ito aniya ay magdudulot ng maraming benepisyo para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |